Grabe. It has been a year na pala since I started this blog. Luckily, I still have time to update this kahit hindi na as often as before. At least, my imaginary readers know na I'm still alive and kicking butts.
Naging busy na din kasi ako with a lot of things. And wala naman masyado pang maganda or kapana-panabik na nangyayari sa buhay ko. "...nothing major major, I mean problem" that I have encountered so far. :D
Napansin ko lang na nawala na yung iba kong kasabayan sa paggawa ng blog. I mean, hindi na sila active sa pagsusulat or they have already deleted their blog.
Kahit si EU na nagturo sa akin ng pasikot sikot dito sa blogspot.com, has decided to stop blogging. Ewan ko ba dun. Daming arte sa katawan. Lol!
One more thing I noticed, dahil dito sa blog, medyo nakalimutan ko na magsulat sa diary ko. :(
Recently, I checked my diary and nagulat na lang ako sa nakita ko. Ang kapal kapal na ng alikabok na nasa ibabaw. Pwede na mag tic-tac-toe. Syempre echos lang.
Eto yung napansin ko. Aside sa February pa yung last entry ko doon, I wasn't able to finish the last entry pa.
My unfinished last entry. May in-omit lang ako sa title. |
Nangako pa naman ako sa sarili ko na kahit may blog ako, I'll be writing pa rin in my diary.
I realized na mas maganda pa rin pala magsulat sa diary kesa sa blog. Kasi doon sa diary ko, wala akong audience. I am very much free to write anything. Walang pupuna ng wrong grammar ko. Wala akong kailangang itagong pangalan. Walang kailangang i-alter na mga pangyayari just to avoid giving hints on my real identity. Walang kailangang itagong emotions so as not to hurt others.
Pros and cons...
Anyway, na-share ko lang.
Naisip ko na rin at one point to stop blogging at magbalik loob sa diary ko. Pero, don't worry. Hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin siya. Bahala na. ;)
Come December 17, 2013, I'll be celebrating my anniversary. It was on the same day a year ago when I found out I was reactive to HIV.
God has been very good to me. Despite having "this curse" or "this gift," He has still showered me with a lot of blessings.
"So, thank you so much that I am here. Thank you! Thank you so much." sabi ni Maria Venus Raj. :D
Still fighting!
Aja!
Awh :) Stay strong (I know it can be easier said than done but stay strong!) Keep on blogging :) I am pretty sure you get to inspire the next generation of bloggers
ReplyDeletethanks, Simon! I'll try to do both na lang.. blogging and diary.. hehe!
Delete