Thursday, February 21, 2013

Text Message From Sagip

This morning, I got a text message from Sagip PGH.

"Good morning po. This is M** from Sagip PGH. I want to inform you regarding your confirmatory test for HIV. Ready for pick-up na po. Please text back po. Thank you."


Oh my God! Eto na yung result. Finally, after 3 months, dumating na rin sa wakas yung result ng HIV test ko.

As if naman I do not know the result. I'll be starting my ARVs na nga on Tuesday eh. I have confirmed it already. Sa tagal nila, nagpatest na ko sa iba, sa RITM Satellite Clinic. And I've been seeing my doctor at RITM Alabang already. This is my health we're talking about. I don't want to delay this.

Pero sige, role-playing. Kunwari hindi ko pa alam yung result. And I am the worried guy again, uncertain about my status.

Deja vu. Ano kaya result? I'm scared! Yeah right! Haha!

Sa excitement ko, I immediately looked for that little piece of paper they gave me with the contact number of their clinic in it. Hindi ko pa kaagad nakita. I forgot where I placed it. Then I remembered I placed everything HIV-related (papers, requests, results, meds) in one bag. I got my bag and opened it. Andun nga siya.

I called the clinic.

me: Hello, mag-inquire lang po sana ako about the result of my HIV test. May nagtext po kasi sa akin this morning na available na daw po for pick-up.

nurse: Kelan po ito ginawa?

me: Matagal na eh. Sobrang tagal na last year. (I'm trying to emphasize how long it has been already.)

nurse: Sobrang tagal na hindi mo na maalala? (Mali ng interpretation si nurse. Sigh!)

me: No. November 28, 2012.

nurse: Ah, ok. Sige po, I'll check.

Dead silence.

nurse: Ah oo, you are Ki...

me: Yes, ako nga yan. Ki** (I interrupted her. It's as if she was expecting a call from me. Baka napansin nila na ang tagal na nung result sa kanila and yet, hindi ko pa rin kinukuha. Worried na baka kung ano na nangyari sa akin. Little do they know, nakapagpacheck-up na ko and will start my meds na nga soon.)

nurse: Opo, andito na yung result ng confirmatory test ninyo and pwede niyo na po kunin. Pero we have to schedule you with a doctor. Siya po kasi ang magsasabi sa inyo ng result. (I could sense na she's trying her best to tell it to me in the nicest way possible.)

me: Confirmatory na kaagad? You mean yung Western blot na? (Sa pagkakaalam ko, you need the consent of the patient first bago ipa-test ng confirmatory. Anyway...)

nurse: Opo. Confirmatory result.

me: Ah, ok. Pwede bang kunin ko na lang?


nurse: Ah hindi po eh. Protocol po dito na doctor ang magbibigay sa inyo ng result. I-schedule ko na lang po kayo on...

me: Ah sige. I'll text na lang din the number na pinagsend-an niyo ng text message if I'll be there on...

nurse: Ok po.

me: Thanks!


I decided na kunin na rin yung confirmatory result. Wala naman mawawala. Gusto ko makita pano i-explain ng doc yung confirmatory result. Tapos kunwari super in denial ako. Shock to know about the bad news. Maglulupasay sa sahig. Suicidal. Mag-aamok. Kukuha ng syringe, itutusok sa sarili ko bago itusok sa lahat ng taong nandoon para mahawa silang lahat.

Joke lang syempre. I won't be doing that. I'm still in my sane mind.

Pero, on the other hand, they say thinkers are doers. Haha! 

Eventually, I will have to tell kung bakit hindi ko na kinuha yung result before. Bali, ang purpose ko lang talaga now is to finally get the result.

Good luck to me. Think positive! Sana ok yung result ng test. LoL! :D

Aja!

No comments:

Post a Comment