Habang tinatahak ang baybaying dagat patungo sa isa sa mga mala-paraisong isla ng Pilipinas (somewhere in South Luzon), tinanong ako ng kaibigan ko.
friend: Ang hilig mo rin magtravel, ano?
ako: Hindi naman. Nagsisimula pa lang. Gusto ko kasi malibot ang Pilipinas bago ako mamatay. Hahaha!
friend: Adik!
May pinaghuhugutan yung sagot ko! Of course, walang kamalay-malay si friend tungkol dun.
As of writing kasi, naghahanap ako ng itinerary para sa isa na namang summer adventure ko with another set of friends (somewhere in Central Luzon) this coming May. Masaya na marami akong set of friends kasi nakakaladkad ko sila na mag-out-of-town trips sa kung saan-saan para may kasama ako. Mga kaladkarin din kasi sila. Nakakarami din ako ng napupuntahang lugar. Different set of friends, different places to visit.
While searching for some tipid tips, I stumbled on one blog. Ang galing niya. Mahusay siyang nilalang. Lakwatserang frog! He's been in 78 out of 80 provinces in the Philippines. Batanes na lang at Sulu ang hindi pa niya napupuntahan. Imagine! Ibig sabihin nakarating na siya ng Basilan, and Tawi-Tawi, mga super remote places in the Philippines (my opinion lang naman.) Saludo ako sa iyo, sir!
Kung ico-compare yung mga napuntahan niya sa napuntahan ko, waley na waley pa talaga. Eto pa lang kasi mga napuntahan kong probinsya sa Pilipinas:
Benguet (Baguio, La Trinidad)
Mountain Province (Sagada)
Ilocos Norte (Bangui, Burgos, Laoag, Pagudpud, Paoay, Pasuquin)
Ilocos Sur (Sinait, Vigan)
Isabela (Ilagan)
Bulacan (Hagonoy, Norzagaray, Pandi, Paombong, San Jose Del Monte)
Nueva Ecija (Jaen)
Pampanga (Angeles, San Fernando)
Zambales (Subic, San Narciso)
Batangas (Lipa)
Cavite (Bacoor, Dasmarinas, Imus, Kawit, Maragondon, Naic, Ternate)
Laguna (Cabuyao, Los Banos, Majayjay)
Quezon (Catanauan, Lucena)
Rizal (Antipolo, Rodriguez)
Albay (Daraga, Legazpi, Tabaco)
Camarines Sur (Caramoan, Iriga, Nabua, Naga, Pili)
Bohol (Baclayon, Carmen, Danao, Dauis, Loboc, Panglao, Sagbayan)
Hindi ko syempre sinama yung mga dinaanan lang.
See. Walang-wala pa talaga. Pero more to come pa yan in this shortened lifetime of mine. :)
While I was enumerating them, I realized na yung nearby places na nga lang like Tagaytay hindi ko pa napuntahan. Loser! Pati yung mga sikat na destinations hindi ko pa napupuntahan. Anubey?
Well, ang target ko pa muna today is mapuntahan yung mga sinasabing tourist spots or yung magagandang tanawin ng Pilipinas na nakalagay sa lumang Sibika at Kultura book ko way back during Grade School days. Kaya Boracay and Puerto Galera, next time na lang kayo.
And naisip ko na by next year ang itinerary ko is umattend ng mga festivals around the Philippines. Wala pa kasi ako napupuntahan na sikat na festivals ng Pilipinas. Dito pa lang sa lugar ko sa Maynila. Hahaha!
Hindi rin naman kasi ako techie kaya walang puwang para sa mga gadgets ang aking mga salapi. Char! Masaya ako na gumagastos kaka-travel kaysa gumastos para sa mga gadgets na ang bilis naman din naluluma. Worth naman kasi ang gastos sa pagtravel. Experiences are priceless.
I tried doing solo travel too, pero palpak. Super duper trooper epic fail to the highest level. 10 million miles above sea level. Exaggerated! OA na. Kulang sa preparation. Napagastos lang ako ng sobra-sobra. Pero worth the experience pa rin. Lesson learned.
And wag ka, kahit konti pa lang napupuntahan kong lugar, I have already mastered the art of light fucking... este, light packing. Laging ako ang may dala ng pinakamaliit na bag sa barkada. Haha! Lovette!
Ang worry ko lang din with traveling is yung pagod. Sa tulad kong pusit, dapat more pahinga and less stress. Pero eto ang stress buster ko eh. Plus some possible infections na pwede ko makuha na endemic dun sa lugar na yun. Like na like ko pa naman mag-caving and spelunking, and pati ang mag-trekking. Kumusta naman ang mga bat droppings, sama mo na rin yung mga diseases na dala ng mga migratory birds, mga lamok. Daming iniisip.
What if ma-stranded ako sa isang island at kulangin ang dala kong supply ng ARVs? Ang morbid. Ganito na lang. What if ma-extend yung lakad at kulangin ang dala kong supply ng ARVs? Mas feasible kaysa dun sa ma-stranded. What if mawala yung bag ko at saktong andun yung mga ARVs ko?
Kahit may ganyang thoughts, go travel pa rin. Nothing's gonna stop me. Adventurerong pusit!
O siya, masyado na ko marami nasabi. Makahanap na nga muna ulit ng mga murang itinerary.
ako: Isa pa sa mga gustong gusto kong gawin, mag bungee jumping. Pag nakapag bungee jump na ako, pwede na akong mamatay.
friend: Sira ka talaga!
Aja!
No comments:
Post a Comment