Saturday, December 29, 2012

Down Again

This is bad. I feel down again.

For the past two years, lagi ko na lang sinasalubong ang pagpasok ng bagong taon na may sakit, masama ang pakiramdam. And this year is no different from the previous years. Naging tradisyon ko na yata.

December 2010, New Year’s Eve, I could still remember, instead na nasa bahay sana ako welcoming the year with my family, I was in the hospital. In one of their private rooms, I was lying in a bed na sad to say walang bed sheet, walang unan at walang kumot. I was uncomfortably trying to get some sleep but I could not. Nakapatay rin ang aircon. That was good, though. I’d feel very cold siguro kung nakabukas yun.

I was running down with a high grade fever, cough and colds. Still, good thing is wala naman ako IV line (swero). I just took Paracetamol per orem (orally). May nakalagay na basang bimpo on my forehead. Sariling sikap sa pagpupunas ng katawan to make my temperature low. Mag-isa lang kasi ako sa room. That time I wished na sana kasama ko nun ang family ko or nasa bahay na lang din sana ko para may nag-aalaga sa akin.

Then, may pumasok na nurse sa room ko. May bitbit na bed sheet, unan, at kumot. Akala ko naawa siya sakin at ibibigay niya sakin yung mga yun.

“Doc, pasensya na ha, may bagong admission po kasi kami. May mag-ooccupy na ng room na to. Okay lang po ba?” sabi nung nurse. "Hanap na lang po tayo ulet ng vacant na room para sayo para makapagpahinga ka."

“Ah, okay lang. Sige po.” sabay tayo ko sa kama. Nahihilo-hilo pa kong naglakad palabas ng kwarto.

Duty nga pala ko that night. I was such a loser. Duty na nga on the New Year’s Eve, may sakit pa.

Nawala rin naman yung lagnat ko the next day, January 1. Pero yung ubo at sipon ko noon lasted for about a week din yata.

December 2011, the week before the New Year. Duty ulit ako, and again, may sakit ako. May lagnat, at masakit ang lalamunan. I think I had ATP (acute tonsillopharyngitis) that time. Hindi pwede umabsent kasi walang ibang tatao sa post ko kung hindi ako lang din.

ER ang post ko that time, and sobrang dami ng pasyente ko. Bakit ba naman kasi lahat sila naisipang magpunta ng ospital all at that same day? Wrong timing, kung kailan may sakit ako, tsaka naman sila dumagsa

Yung iba, pinalipas lang ang Pasko kaya noon lang nagpacheck-up. 

"Natiis niyo nga na hindi magpagamot noong bisperas at Pasko, sana tiniis niyo na lang din muna ngayon at bukas na lang pumunta. Para off ko na bukas." madalas kong bulong sa sarili ko.

Yung iba naman, nagkasakit epekto ng handaan noong Pasko. Maraming tumaas ang blood pressure. Maraming sumakit ang tiyan. Kung naghinay hinay lang sana sa pagkain ng litson, hamon, at kung anu-ano pang handa noong Noche Buena, eh 'di sana happy ang pagcelebrate ng holidays. Hindi na kailangan pumunta ng ospital.

Marami na rin ang hinihika dahil sa mga usok ng mga maagang nagpapaputok. Alam naman din kasi nila na hikain sila, sana nagstay na lang sila sa loob ng bahay at umiwas sa usok ng mga paputok.

Marami rin naman ang mga nakakainis na pasyente na kunwari may sakit, magpapacheck-up, sasabay sa iba pang maraming pasyente. Minsan demanding pa. Pero alam mo namang manghihingi lang talaga ng medical certificate para makapagbakasyon sila sa holidays.

"Ako nga totoong may sakit pero eto nagta-trabaho pa rin." bulong ko na naman sa sarili ko.

Ang hirap din pala talagang manggamot lalo na kung ikaw mismo ang may sakit.

Sa awa ng Diyos, nawala rin yung sakit ko bago matapos ang taon. Naenjoy ko naman ang pagpasok ng bagong taon noon kahit nasa ospital na naman ako, nagduduty.

December 2012, ilang araw na ko nagpupuyat. May hinahabol kasi na deadline. May kailangang tapusin bago matapos ang taon. Pero nagawa pa rin mag-unwind kagabi kasama ang mga kaibigan. Napalaban na naman sa inuman (3 bote ng beer lang naman) at kantahan.

Kaya eto ngayon ang pakiramdam ko. Pagod, puyat, makati ang lalamunan, paos at mukhang sisipunin na naman. Inabuso na naman ang sarili. Tsk!

Ang kaibahan lang, hindi ako magduduty sa pagsalubong ng bagong taon. Dito lang ako sa bahay kapiling ang aking pamilya. Yehey!

Sa ngayon, sana wala lang tong nararamdaman ko. Promise, sa susunod aalagaan ko nang mabuti ang sarili ko. Matapos lang talaga ang stressful months of January and February, magrerelax na talaga ako ng todo!

Aja!

6 comments:

  1. Akala ko Adenosine Triphosphate. hehe.

    Toxic pa naman ang mga naka-duty sa ER pag bisperas ng bagong taon. Dami kasing aksidente.

    Buti na lang rest this time.

    Happy New Year!!!

    ReplyDelete
  2. This positivity is a great start.. Keep it up! this is so cliche but there's no impossible..

    ReplyDelete
  3. Do get well soon :) Aja!

    Happy New Year! :)

    ReplyDelete
  4. congrats, at least di ka duty.

    happy new year sa'yo :)

    ReplyDelete